Hindi nagawang manalo ng Los Angeles Lakers sa New York Knicks, 99-95, na sinasabing posibleng huling paglalaro ni Kobe Bryant sa Madison Square Garden noong Linggo ng gabi (Lunes ng umaga sa Pilipinas).

Magugunitang, nagpahayag ang coach ng Lakers na si Byron Scott na sinabihan siya ni Bryant na posibleng huling season na nito sa NBA at tuluyan na siyang magreretiro sa basketball.

Ang Madison Square Garden ay lubhang makasaysayan kay Kobe dahil dito niya nagawa ang unang NBA point sa pamamagitan ng free throw noong Nobyembre 5, 1996, sa pangalawa niyang laro.

Pebrero 2, 2009 naman nang maitala ni Kobe ang kanyang 61-puntos sa nabanggit ding lugar at dito rin sa MSG siya unang nakasali sa NBA All-Star Game noong 2008.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Sa laro ng 37-anyos na si Kobe sa MSG, nagtala lamang siya ng 18-puntos na malayo sa dati niyang ginagawa na 30.7 bawat laro.

“I remember coming in my first game here, not knowing what the hell to expect, what to do,” ang pahayag ni Bryant. “To be here 20 years later and have that (cheering) happen feels amazing.”

Ang Lakers center na si Roy Hibbert ay nakakuha ng 18-puntos samantalang ang 2-year guard na si Jordan Jackson ay nakapagbahagi rin ng 10-puntos.

Subalit, sa fourth quarter ay inungusan na ang Lakers ng Knicks. Si Carmelo Anthony ng Knicks ay nanguna sa game-high 24-puntos, 11 dito ay nagawa niya sa fourth quarter. (Agence France-Presse)