NASUGBU, Batangas - Isinailalim sa DNA test ang mga kalansay na natagpuan sa dalampasigang sakop ng Nasugbu sa Batangas.

Ayon sa report ni PO3 Garry Felicisimo, dakong 3:27 ng gabi nitong Nobyembre 7, naglalaro sa lugar ang grupo ni Alejandro Delima nang mapansin ang kalansay na natatabunan ng buhangin sa may Barangay Papaya.

Hinukay umano ni Delima ang buhangin hanggang tumambad sa kanila ang kalansay.

Posible umanong nalunod ang biktima at inanod ng dagat noong nakaraang bagyo. (Lyka Manalo)

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito