pacman_page 15, PLEASE CROP copy

Nagbigay ng pahayag si Philippine Basketball Association (PBA) Commissioner Chito Narvasa hinggil sa “pros and cons” sa desisyon ni boxing icon at Sarangani Representative Manny Pacquiao na maglaro at mag-coach ng kanyang sariling basketball team.

“He is not a basketball player,” ang sinabi ni Narvasa at kinuwestiyon nito kung ano ba ang talaga ang gustong pasukin ni Pacquiao dahil sa magiging abala rin ito sa pangangampanya sa pagtakbo nito sa kanyang kandidatura sa pagka-senador sa darating na eleksiyon sa Mayo 2016.

Magugunitang, bumuo ng kasaysayan si Pacquiao nang siya ay italaga bilang coach ng KIA franchise at nakasali sa 11th overall sa 2014 PBA Draft, at tinaguriang pinakamatandang rookie na naglaro sa larangan ng basketball sa bansa.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Ang pagpasok ni Pacquiao sa PBA ay nakakalap ng maraming kritisismo at nitong press conference nga na ginanap sa Dubai noong Biyernes, nagpasalamat si Narvasa sa ginawa ni Pacquiao sa nabanggit na liga.

“You have to understand that Mr. Pacquiao is a personality in himself. He has many engagements, and first of all, he is not a basketball player, he is a boxer,” ang dagdag ni Narvasa sa isang panayam ng Gulf News.

“Apparently, his interest in basketball led him to the PBA, and whatever time he has given, he has managed very well with the PBA, so I think recognition should also be given to him,” ang pahayag pa ni Narvasa.

Naitalang mahigit sa 50,000 tagahanga ni Pacquiao ang nanuod sa unang laro ni Pacquiao sa PBA sa Philippine Arena noong nakaraang taon, subalit ang legendary boxer ay naglaro lamang ng anim na beses, at nakaiskor ng kabuuang 3-puntos.

Sa pagitan ng paglalaro nito sa koponan ng ngayon ay pinalitan na Mahinra Enforcers, ay nagawa pang labanan nito si Floyd Mayweather kung saan ay naluklok din itong Kongresista at kamakailan nga ay inanunsiyo nito ang kanyang planong pagtakbo sa senado sa darating na 2016 elections.

“Again, his many responsibilities, not only as a sports icon but also a lawmaker prevent him from going full-time into one activity, and the PBA understands the situation,” ayon kay Narvasa.

“But hopefully, eventually, he will be able to find out what he should be concentrating on very soon,” dagdag pa nito. (Abs Cbn Sports)