Nag-inspeksiyon kahapon sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang mga dating opisyal ng militar na ngayon at pawang kongresista na upang personal na makita ang operasyon ng paliparan kaugnay ng kontrobersiya sa umano’y extortion scam na “tanim bala”.

Sa isang panayam sa DZME kahapon ng umaga, sinabi ni Pangasinan Rep. Leopoldo Bataoil na kasama niyang mag-iinspeksiyon sa NAIA sina Magdalo Party-list Rep. Romeo Acop, ACT-ICT Party-list Rep. Samuel Pagdilao, Muntinlupa City Rep. Rodolfo Biazon at iba pang miyembro ng tinaguriang Tuesday Group ng Kamara.

Ayon kay Bataoil, hindi niya inakalang maaabuso ng ilang kawani ng Office of Transportation Security (OTS) ng NAIA ang batas sa illegal possession of ammunition at gagamitin ito sa pangingikil, kaya plano nilang amyendahan ito.

Plano ng kanilang grupo, ani Bataoil, na magsagawa ng committee hearing tungkol sa usapin.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

Aniya, layunin nitong matalakay ang posibleng pagpapababa ng parusa sa mga nahuhulihan ng bala, na totoo naman, aniya, na ginagamit na anting-anting ng ilan.

Gayunman, ayon kay Bataoil, kung mapatutunayang kriminal o terorista ang nahulihan ng bala ay dapat na managot ito sa batas. (ARIEL FERNANDEZ)