Noong nakaraang off-season, pinaglaanan ni Greg slaughter ng kanyang panahon ang pagpapa-angat ng kanyang skill at pagpapalakas ng kanyang upper body sa ilalim ng pamumuno ng kanilang conditioning at assistant coach na si Kirk Colier.

Ang nasabing pagtitiyaga ay nagkaroon ng bunga at sa unang laro ng Barangay Ginebra sa PBA 41st season opener, ay nagtala ang tinaguriang King slotman ng average na 27.3 puntos at 20.3 rebounds.

Bagama’t wala pang naipapanalo ang Barangay Ginebra sa unang linggo ng season, hindi nagbago ang laro ng 6-foot-11 big man hanggang sa mabigyan ng tagumpay ang kanilang bagong coach na si Tim Cone.

Sa kanilang ikatlong laban kontra Alaska na ginanap sa Dubai, UAE, nagtala ang 27-anyos na dating Ateneo standout ng 27-puntos at 19 rebounds, upang tulungan ang Ginebra na makamit ang unang panalo sa pamamagitan ng 93-92 pag-ungos sa Aces.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Nasa kanyang ikatlong taon ng pagiging isang professional player, nagpakita si Slaughter ng tinatawag na poise o katatagan sa end- game matapos ibuslo ang game clinching free throws sa nalalabing 4.1 segundong laban.

Dahil sa nasabing performance, nakamit ni Slaughter ang parangal bilang Accel-PBA Press Corps Player of the Week para sa nakalipas na linggo (Nobyembre 3-8) kung saan tinalo niya sa lingguhang citation sina GlobalPort’s Fil-Am guard Stanley Pringle at mga kapwa nitong guard na sina Carlo Lastimosa ng Blckwater at Peter June Simon ng Star Hotshots.

Ngunit sa kabila ng kanyang ipinakitang magandang performance, sinabi ni Slaughter na mas mahalaga ang magpakita ng solidong depensa kada laro.

“We just need to come out with a defensive mindset. Coach has been telling us to come out with our A-game because every team will always come out with their best,” anang dating PBA Rookie of the Year. (Marivic Awitan)