Nobyembre 10, 1928 nang hirangin si Hirohito (1901-1989) bilang ika-124 na hari ng Japan sa Kyoto, at maglilingkod bilang ang emperador na pinakamatagal na namuno sa kasaysayan ng bansa. Ginawaran siya ng titulong “Showa” (“Enlightened Peace”). Ang ina ni Hirohito ay asawa ng pinalitan niya.

Sa edad na 15, siya ay naging prinsipe ng bansa. Siya ang panganay nina Crown Prince Yoshihito at Princess Sadako.

Alanganing sinuportahan ni Hirohito ang pananakop ng Japan sa Manchuria, at namuno sa kasagsagan ng pagpapalakas ng puwersa ng militar ng bansa mula 1931 hanggang sa magapi ito ng Allied forces noong 1945.

Gayunman, ang tunay niyang ginampanan sa pakikibahagi ng Japan sa World War II ay nananatiling hindi malinaw. Noong Setyembre 1945, idineklara ni Hirohito ang walang kondisyong pagsuko ng Japan, matapos na malagasan ang bansa ng 2.3 milyong sundalo nito.

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

Sa panahong sinalakay ng United States ang Japan matapos ang World War II, pormal na inalisan ng kapangyarihan at pananampalataya si Hirohito, ngunit nanatili bilang opisyal na pinuno ng Japan hanggang sa pumanaw siya noong 1989.