BARCELONA (Thomson Reuters Foundation)—Kapag walang mga tamang polisiya upang mapanatiling ligtas ang mga mahihirap sa matinding klima at tumataas na karagatan, maaaring itulak ng climate change sa kahirapan ang mahigit 100 milyon pang tao pagsapit ng 2030, sinabi ng World Bank noong Linggo.

Sa isang ulat, sinabi ng bangko na magiging imposible ang pagwawakas sa kahirapan – isa sa 17 bagong layunin ng U.N. na pinagtibay nitong Setyembre - kapag ang global warming at ang mga epekto nito sa mga kahihirap ay hindi binilang sa mga pagsisikap sa kaunlaran.

Ngunit ang higit na ambisyoso ay ang mga planong bawasan ang climate-changing emissions – nilalayong panatilihin ang pandaigdigang temperatura sa loob ng napagkasunduang limitasyon ng mga bansa na 2 degrees Celsius – ay dapat ding alalayan ang mga maralita mula sa anumang negatibong balik, dagdag nito.

“Climate change hits the poorest the hardest, and our challenge now is to protect tens of millions of people from falling into extreme poverty because of a changing climate,” sabi ni World Bank Group President Jim Yong Kim sa isang pahayag.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

Tinaya ng bangko na 100 milyon pang katao pagsapit ng 2030 ang dadagdag sa 900 milyong inaasahang mabubuhay sa matinding kahirapan kapag naging mabagal ang progreso ng kaunlaran. Ngayong 2015, tinaya ng bangko ang bilang ng mahihirap sa 702 milyon.

Inilarawan ni John Roome, World Bank senior director for climate change, ang pagwawakas sa kahirapan at pagharap sa climate change bilang “defining issues of our generation”.