Dahil sa kabiguan na magsagawa ng ballistic examination, apat na umano’y nahulihan ng bala sa kanilang bagahe sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang iniutos ng Pasay City Prosecutors Office na palayain mula sa pagkakapiit.

Ito ay sa magkakahiwalay na inquest resolution ng Pasay Prosecutors’ Office kaugnay ng reklamong illegal possession of ammunition na isinampa ng pulisya laban kina Rufina Cruz, Mildred Bitog, Ma. Josephine Rabano, at Shine Enola.

Kasabay nito, iniutos din ng piskalya na isailalim ang apat na respondent sa preliminary investigation.

Nakasaad sa nasabing mga resolusyon na alinsunod sa RA 10591, ang nasamsam na bala ay kinakailangang maisailalim sa ballistic examination ng kaukulang ahensiya ng gobyerno para matukoy kung ito ay pasok sa kahulugan ng “ammunition”, na itinatakda ng nasabing batas.

National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!

Pero dahil nabigo ang pulisya na magsumite ng ballistic findings, kulang ang ebidensiya na kanilang iprinisinta dahilan para ideklara ng piskalya na “released for further investigation” ang apat na respondent. (Beth Camia)