Binatikos kahapon ni Makati City Rep. Mar-Len Abigail Binay-Campos si acting Makati Mayor Romulo “Kid” Peña dahil sa umano’y pambu-bully nito matapos ipasara ang kanyang tanggapan sa Makati City Hall.

“Last week, I was informed that my office at Makati City Hall will be used by the acting vice mayor. Prior to that, employees detailed to the office received memos recalling them back to their mother unit. In effect, the acting leadership at City Hall has shut down my office,” sabi ni Rep. Abigail, anak ni Vice President Jejomar Binay.

Sinabi ni Rep. Binay, na kakandidato sa pagka-alkalde sa 2016 elections, na ipinakita ng pansamantalang liderato sa Makati City Hall ang tunay nitong kulay sa likod ng ipinagyayabang na maganda at patas na pamumuno.

“Simple lang ang gusto nilang sabihin: hindi bagong Makati ang kanilang isinusulong kundi sila ang bagong hari. Sa kanilang ginawa, nakalimutan nila na ang diwa ng public service ay hindi ang partido o pangalan kundi ang paglilingkod sa mga taga-Makati,” dugtong ng kongresista.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Iginiit pa ni Rep. Binay,dahil sa pagsasara ng tanggapan niya sa City Hall ay inalisan ang mamamayan ng ikalawang distrito ng pagkakataong dumulog at mapaglingkuran.

Tiniyak naman ng kongresista sa mga residente na magpapatuloy ang pagbibigay niya ng serbisyo, gaya ng ginawa ng kanilang pamilya sa nakalipas na siyam na taon, sa kabila ng mga malisyosong paratang na ibinabato sa kanya at sa kanyang pamilya Binay.

“We are all affected by these attacks—all members of the family, me, my children, my nieces and nephews,” ani Binay.

(Bella Gamotea)