ANGEL AT VILMA ONLY copy

NAGDIWANG ng 62nd birthday si Batangas Gov. Vilma Santos-Recto sa Kapitolyo ng probinsiya nitong Nobyembre 3. Isang Thanksgiving Mass ang handog ni Gov. Vi para pasalamatan ang lahat ng kanyang mga nasasakupan sa Batangas at sa mga taong nagsilbi sa kanyang three-term na pamumuno as governor.

Masayang-masaya si Gov. Vi nang makapanayam namin dahil halos lahat ng kanyang supporters, friends, Vilmanians and some press people ay dumalo ng misa kahit umaga pa lang ito ginanap. Overflowing, ‘ika nga, ang well-wishers ng aktres-pulitiko.

‘Yun nga lang, kahit masaya siyang inalayan ng giant cake, kinantahan ng ‘Happy Birthday’, sumasagi pa rin daw ang lungkot tuwing naiisip niya ang kanyang nalalapit na pamamaalam sa Kapitolyo ng Batangas.  

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

“Inilaan ko ang araw na ito, mismong birthday ko for employees of the Kapitolyo kasi last birthday ko na as governor, so gusto ko ‘yung (magkaroon ng) misa and at the same time, a message ng taos-pusong pasasalamat sa nine years na nakasama ko sila kasi next year iba na ang governor,” ani Gov. Vi na biglang natigilan. “Iba na ang magbi-birthday (sa Kapitolyo) next year. ‘Yun lang,” sabay bawi ng ngiti.

Minahal siya nang labis ng mga Batangueño, kaya’t maiiwan ang puso niya sa Kapitolyo kahit iba na ang manunungkulan sa kanyang posisyon.

Bakit siya nalulungkot?

“Kasi matagal din akong pinagkatiwalaan ng Batangas. Lahat ng ‘yan (asenso) dahil sa pagtutulungan ng mga empleyado. Ayoko sanang umalis pero siyempre demokratiko tayo, kailangang may papalit at papalit sa ‘yo no matter what, but definitely I will miss the capitol.”  

Pero hindi pa rin siya makababalik o pirmihang maninirahan ng Maynila pagkatapos ng kanyang termino bilang gobernadora.

“Hindi, kasi I filed to run for Congress sa Lipa, kasi ang Lipa ngayon is lone district na. Ako naman Lipeño, kasama ‘yan ng Batangas, parang last hurray na ‘to. Gusto kong magtanim ng utang na loob sa Lipa. Kung naging epektibo ako dito (sa Kapitolyo), dahil natutunan ko ‘yun sa Lipa na inaplay ko dito. So, kung may maitutulong ako sa Lipeños for three years, ‘yun ‘yung last hurray. It’s hard to be 35 (years old), eh,” pabirong wika niya.

“Gusto ko lang tumanaw ng utang na loob baka mayroon pa akong (puwedeng maibigay na) serbisyo sa Lipeños,” aniya pa.

Pagkatapos niyang hipan ang kandila sa higanteng coffeee cake sa stage, hiningan siya ng kanyang birthday wish.

“Wala na, I’m blessed, ‘pasalamat na ako sa Panginoon sa sobra-sobrang blessings Niya. Ang wish ko lang, since

election is coming for us is to have a peaceful elections. Any negative na mangyari sa election magbo-boomerang sa atin ‘yan. So for everybody, choose the right leaders,” aniya.

Sa aming intimate intimate interview kay Ate Vi napadako ang usapan sa showbiz, at all smile bago sinagot ang unang tanong -- tungkol sa pagtawag sa kanya ni Angel Locsin ng “mother-in-law” panayam ni Kuya Boy sa Tonight With Boy Abunda last week.

“Kasi pamilya na rin si Gel, eh. Kung tawagin man niya akong mother-in-law, walang masama kasi itinuturing ko na rin siyang manugang,” sabay bunyi ng Vilmanians na nasa loob ng Mansion House at nakikinig/nakikibahagi sa interbyuhan.

“Ipagdasal na lang natin na maging tama na ‘yung desisyon nilang dalawa ni Lucky (Luis Manzano) because at the end of the day, it’s their decision not ours. Pero kung  maging manugang ko si Gel, why not? Sa tinagal-tagal ng panahon I think it’s about time,” sey niya na may pagmamalaki. 

Nagbigay din siya ng pahayag kung bakit nag-back out si Angel sa Darna movie na gagawin ng Star Cinema.

“Tama lang, kasi nag-usap din kami sa shooting (ng All of Me movie). Nagkaroon kasi siya ng attack, eh, sa spine bago pa kami pumunta ng Europe noon. No’ng magkaroon siya ng attack, hindi talaga siya nakatayo Aalis na ako the next day, itinawag pa sa akin ni Lucky, nasa ospital si Gel, kasi dinala ng ambulansiya dahil ‘di nga nakatayo 

dahil sa likod niya.”

Hanggang sa nakauwi na sila ng Pilipinas, iniinda pa rin ni Angel ang kanyang spine injury na nakuha sa shooting ng Love Me Again nang mahulog siya sa kabayo.

“’Tapos no’n, pagbalik namin nagso-shooting na kami no’n, masakit pa rin ang legs niya and humingi siya ng ano sa akin. Sabi niya, ‘Tita...’ at nagsumbong na gustung-gusto sana niyang gawin ang Darna. Gusto niyang gawin talaga ‘yung Darna but with what happened to her, ano daw puwede niyang gawin?

Kasi nalulungkot siya, hindi niya magawa ‘yung Darna. Pero iisa lang naman ang sinabi ko: ‘Gel, hindi mo naman kailangang pilitin ang sarili mo, eh.

Health mo ‘yan, eh, number one is health plus nagkaroon ka na ng ganyang attack. ‘Yung Darna isinasabit ‘yan, hina-harness, aksiyon ‘yan, eh. Hindi mo isusugal ang health mo sa ganyan, di ba?’” payo niya sa kanyang future daughter-in-law. 

“’Plus the fact, wala ka namang dapat ipagmalaki kasi kilala ka na rin as Darna? Pagka ‘binigay ang mga pangalang Darna, isa ka sa Darna, so you don’t have to prove anything. Ngayon, kung hindi na, huwag mong isugal ang health mo.

Number one is health, kung ikakadelikado mo ‘yan, don’t do it. Hindi naman ang buhay mo sa showbiz Darna lang, eh.

Baka mas mabigyan ka pa ng mas relevant films, not neccesarily action films na nakataya naman ang spine mo’,” paalala niya kay Angel. (ADOR SALUTA)