MUST FOR READER'S CORNER_pls crop copy copy

NAIHAHANAY na rin ang Everyday I Love You, pangalawang pelikulang pinagbidahan nina Enrique Gil at Liza Soberanokasama si Gerald Anderson sa mga blockbuster hits na Star Cinema gaya ng Catch Me I’m In Love, She’s The One, Bride For Rent, at Crazy Beautiful You.

At gaya rin ng mga pumatok na pelikulang nabanggit, dadalhin ang Everyday I Love You sa mga sinehan ng TFC@theMovies, sa mga screens ng Pay Per View (PPV) on The Filipino Channel (TFC) at online ng TFC.tv sa mga piling bansa at States ngayong Nobyembre.

Kumita na ang Everyday I Love You ng lampas sa P100M sa box-office after two weeks sa mga sinehan.

Human-Interest

ALAMIN: Pagbibigay ng 13th month pay sa mga empleyado, paano nagsimula?

Ang unang pelikulang Just The Way You Are ng LizQuen ay tinangkilik din ng mga manonood. May malaki o malawak na fan base ang tambalang Liza at Enrique simula nang tanghaling breakthrough love team ng 2015 sa record-breaking success ng kanilang kilig-seryeng Forevermore.

After mapanood sa US last November 6, napanood naman ang Everyday I Love You sa London nitong November 7 and 8 ganoon din sa Vienna, Austria; November 8 din sa Milan at Rome, Italy; Paris, France, at Madrid, Spain; November 12 sa Middle East: UAE, Qatar, Bahrain, Oman, at Kuwait; November 12 sa Australia at New Zealand; November 14 at 15 sa Birmingham, UK; at November 22 sa Singapore.

Maaari ring panoorin ang Everyday I Love You via per per view sa TFC at TFC.tv sa piling mga lugar sa US, Canada, piling lugar sa Europe at Middle East at Japan sa November 6 at sa piling lugar sa Australia simula November 12.

(ADOR SALUTA)