BEIJING (AFP) – Malaking bahagi ng China ang kinukumutan ng mapanganib na ulap-usok noong Lunes matapos umakyat ang antas ng pinakamapanganib na particulates ng halos 50 beses kaysa maximum ng World Health Organization.

Ang mga antas ng PM2.5, ang maliliit na butil sa hangin na itinuturing na pinakamapanganib sa kalusugan, ay umabot sa 860 micrograms per cubic metre sa Changchun, ang kabisera ng probinsiya ng Jilin sa hilagang silangan, noong Lunes.

Ang recommended maximum ng World Health Organization ay 24-hour average ng 25 micrograms.

Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'