charo_santos_concio copy

KUNG si Oprah Winfrey ang itinuturing na one of the most powerful and influential women sa buong mundo, ang local counterpart niya ay walang iba kundi si Charo Santos-Concio, ang outgoing ABS-CBN Network president at CEO.

Para sa maraming kababaihan ay sumisimbolo siya ng women empowerment. Sa kanyang pamumuno ay ginamit ni Charo ang kanyang posisyon sa pagtataguyod ng positibong values lalung-lalo na sa pananatiling magkakabuklod ang pamilya.

Nagsimulang makilala sa entertainment industry noong 1976 si Charo sa pelikulang Itim na idinirihe ni Mike de Leon at nagpanalo sa kanya bilang Asia’s best actress. Pawang de-kalidad na pelikula ang kanyang tinampukan tulad ng Gumapang Ka Sa Lusak (Lino Brocka) Kisapmata at Kakabakaba Ka Ba? (Mike de Leon) at ang star-studded na Hindi Mo Ako Kayang Tapakan (Maryo J. delos Reyes).

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

Nahasa nang husto si Charo working behind the cameras bilang production assistant at kalaunan ay producer for independent movie companies. Siya ang nag-produce ng Himala, ang classic movie ni Nora Aunor na idinirihe ni Ishmael Bernal para sa Experimental Cinema of the Philippines.

Sa telebisyon, siya ang nag-produce ng earlier teleserye hits tulad ng Esperanza, Mula Sa Puso at ang orihinal na Pangako Sa ‘Yo.

Isang napakalaking achievement ni Charo ang pagkakahirang sa kanya bilang chairman ng International Emmy Awards na gaganapin sa New York sa Nobyembre 23.

Nitong nakaraang October 27 ay ipinagdiwang ni Charo ang kanyang 60th birthday with a big bash na punung-puno ng nakakaantig na mensahe at malalaking sorpresa mula sa mga  kaibigan niya sa loob at labas ng show business. A big song number ay ang pagharana kay Charo nina Aga Muhlach, Sam Milby, Richard Gomez, Piolo Pascual, at Christoper de Leon.

Mananatili si Charo bilang consultant ng ABS-CBN at host ng longest-running drama anthology na Maalaala Mo Kaya.

(REMY UMEREZ)