ISA sa mga isyu na posibleng ikatalo ng mga kandidato ng Liberal Party (LP) ay ang tanim-bala na sunud-sunod na nangyari sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA). Sawa na ang mga tao sa palusot na ginagawa ng mga tiwaling tauhan ng NAIA, Office for Transport Security (OTS), airport police, at iba pa na parang kinukunsinti, hinahayaan o baka kasabuwat pa ang mga opisyal nila upang makotongan ang mga kawawang pasahero.

Tatlong teoriya ang posibleng may kinalaman sa isyu ng “bullet-planting” sa ating premium airport. Una, may sindikato sa loob ng paliparan na ang trabaho ay pera-pera lamang. Pangalawa, may mga tangang pasahero na nagsisingit ng isa o dalawang bala sa loob ng kanilang bagahe bilang amulet o pangontra laban sa demonyo. Eh, paano kung mahuli sila, sila ang madedemonyo. Pangatlo, higit na manhid at tamad (wika nga ni VP Binay) ang PNoy administration at ang Department of Transportation and Communications (DoTC) na linisin at sugpuin ang kawalang-hiyaan sa NAIA na ipinangalan pa naman sa ama ng binatang Pangulo.

Kung sa NAIA ay may umiiral ngayong pera-pera lang group o sindikato ng pagtatanim at paglalaglag ng bala, sa Mindanao ay higit na mabagsik at mabangis ang umiiral na kademonyohan ng tulisang Abu Sayyaf Group (ASG)-- ang KFR (kidnap-for-ransom) na nangdudukot ng mga dayuhan upang ipatubos ng multi-milyon at kung minsan ay multi-bilyong pisong halaga kapalit ng kalayaan ng hostages. Halimbawa nito ay ang pagdukot sa tatlong dayuhan-- dalawang Canadian at isang Norwegian-- kasama ang isang Pinay. Tig-P1 bilyong ransom ang hinihingi sa bawat dayuhan.

Samantala, kung talagang gusto ni PNoy na makaakit at makakuha ng boto ang kanyang anointed one na si Mar Roxas, kailangang hilingin at ipursige niya sa Kongreso ang pagtalakay at pagpapatibay sa panukalang P2,000 dagdag sa buwanang pensiyon ng SSS pensioners. Aba, maraming senior citizen-pensioner ang matutuwa rito at siguradong ang mga miyembro ng kanilang pamilya ay boboto kay Roxas.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Pangalawa, pumayag na siya sa panukala ng mga mambabatas na ibaba ang pataw na buwis sa mga ordinaryong manggagawa o kawani. Makahahatak ito ng boto. Sa ayaw at sa gusto niya, bababa na siya sa puwesto. Kailangang manalo ang kanyang “bata” na si Roxas. May panganib na kapag ang kalaban niya ang nahalal, siya ay kakasuhan pag-alis sa puwesto at baka makulong din siya tulad nina ex-President Joseph Estrada at Gloria Macapagal-Arroyo.

Baka sa halip na maging elder siya ng bagong pangulo, ipakulong siya nito kapag hindi kaalyado at kakampi ang nanalo. Remember, ang PDAF, DAP at ang Mamasapano incident? (BERT DE GUZMAN)