NAKARINIG na naman kami ng tsika na ang ilang artistang pumapasok sa pulitika ay wala namang alam at hindi naman pinag-aaralan nang maayos ang mga proyektong isinusulong dahil umaasa lang sila sa kanilang mga pinagkakatiwalaang empleyado.

Hindi na namin babanggitin ang pangalan ng artistang kasalukuyang kongresista ngayon na kabilang sa National Capital Region o NCR na naka-hold ang budget para sa mga proyekto dahil may problema sa mga iprinisintang papeles.

Kuwento ng aming source, nakipag-meeting si Kongresistang Artista sa taga-aprub ng budget dahil ipinabalik ang mga papeles na dinala ng staff niya.

Katwiran daw ng taga-aprub ng budget, “I found out that your papers is some kind of bogus, please double check, baka kasi hindi dumaan sa ‘yo (artistang kongresista).”

Pelikula

Barbie Forteza, magkakaroon ba ng pelikula; sinong leading man?

Sey daw ng artistang kongresista, marami na ang umaasa sa project niya at kawawa naman daw ang constituents niyang iyon kung hindi siya bibigyan ng budget.

“Sinabi naman kay _____ (artistang kongresista) na ibibigay ang budget niya kapag naayos niyang mabuti ang papeles niya,” kuwento sa amin.

Naalala namin tuloy si Konsehal Yul Servo na kaya pala maayos at maraming projects sa ikatlong distrito ng Maynila dahil hindi lang double check ang kanyang ginagawa sa mga papeles niya kundi pinaaprubahan niya sa lahat ng kinauukulan bago niya isulong at ipasa ang proyekto at mabilis namang naibibigay ang budget niya.

Sabagay, never namang nabalitaang nag-aral o kumuha ng crash course sa Public Administration ang artistang kongresistang may problema sa papeles kaya marahil wala siyang alam.

“Huwag lang kasi puro pa-cute o pagpapaganda ang alamin niya (artistang pulitiko), dapat mag-aral siya para alam niya ang pinapasok nila,” sabi pa ng source. (REGGEE BONOAN)