Mga laro ngayon

Cuneta Astrodome

3 p.m. – Opening Ceremony

4 p.m. – CVI vs SLU

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

5 p.m. – NMI vs NCR

6 p.m. – NLU vs WVI

Sisimulan ng Western Visayas at National Capital Region (NCR) ang kani- kanilang kampanya sa Shakey’s Girls’ Volleyball League Season 13 national finals bukas ng hapon sa pagsalang sa una nilang laro sa magkahiwalay na grupo sa Cuneta Astrodome sa Pasay City.

Makakalaban ng Western Visayas ang Northern Luzon sa Pool A sa tampok na laro ganap na alas-6 ng gabi sa pagtatapos ng nakatakdang opening triple-bill sa torneong tumipon sa top eight teams mula sa nakaraang regional finals ng taunang event na ito na itinataguyod ng Shakey’s para sa mga pangunahing private at public school girls’ volleyball squads.

Makakasagupa naman ng NCR, ang Northern Mindanao sa ika- 5 ng hapon sa Pool B matapos ang laban ng Southern Luzon at Central Visayas na kabilang din sa Pool B ganap alas- 4 ng hapon.

Ang Western Visayas na kinatawan ng St. John’s Institute ang defending champion sa torneo matapos talunin ang NCR sa loob ng limang set sa nakaraang taong finals.

Sa pagkakataong ito, umaasa silang mapaanatili ang titulo sa pamamagitan ng kanilang kinatawan na Central Philippine University (CPU).

Ngunit hindi naman sila basta-basta pahihintulutan ng NCR na kakatawanin ng National University (NU) sa pangunguna ni reigning MVP Faith Nisperos, Joy Doromal, Jasmine Nabor at top setter Joyme Cagande.

Ang iba pang mga koponang kabilang sa Pool A ng torneo na suportado ng Asics, Mikasa at My Phone, ay ang Southern Mindanao na kinakatawan ng core ng Davao City National High, Eastern Visayas na kakatawanin naman ng Leyte National High at Northern Luzon na pangungunahan ng Angeles University Foundation players.

Ang Southern Luzon ay pamumunuan ng regional winner De La Salle-Lipa, habang ang Central Visayas at Northern Mindanao ay pamumunuan ng mga mainstays ng University of San Jose-Recoletos at Angelicum Learning Center,ayon sa pagkakasunod.

Ang mangungunang dalawang koponan mula sa dalawang grupo makaraan ang single round robin ay uusad sa crossover semifinals kung saan ang magwawagi ay magtutuos sa championship, ayon kina organizing Metro Sports head Freddie Infante at tournament director Johanz Buenvenida. (MARIVIC AWITAN)