Mga laro ngayon sa Rizal Memorial Baseball diamond

8:00 am ILLAM vs Golden Sox

10:00 am UP vs DLSZobel

12:00 nn PAF vs AAdu

May cash incentives din; Karl Eldrew Yulo, tumanggap ng ₱500K mula kay Chavit!

Nanatiling buhay ang tsansa ng 2015 Philippine National Games champion Rizal Technological University at 2-time UAAP champion Ateneo de Manila University matapos maiuwi sa importanteng panalo sa pagbabalik ng 2015 PSC Chairman’s Baseball Classic matapos magpahinga sa Araw ng Kaluluwa sa Rizal Memorial Baseball diamond.

Tinalo ng RTU ang nakasagupang Bulacan State University sa pamamagitan ng mercy rules matapos itala ang 15-5 iskor sa loob lamang ng limang inning habang pinatalsik ng ADMU ang karibal nito na UST sa regulation na pitong inning, 11 - 5.

Agad na pumalo ang RTU ng dalawang homerun sa unang inning bago sinundan ng lima sa ikatlong inning, tatlo sa ikaapat na inning at lima muli sa ikalimang inning upang isalba mula sa posibleng pagkakapatalsik ang kampanya sa torneo na itinataguyod ni PSC Chairman Richie Garcia para sa pagbubuo ng pambansang koponan.

Napatalsik naman sa torneo ang BULSU matapos na malasap ang ikalawa nitong kabiguan. Una itong nabigo kontra sa De La Salle Zobel, 2-17. Tanging nakapasok sa homeplate ang BULSU sa ikalawang inning at apat sa ikaapat na inning para sa kabuuang 5 homeruns.

Habang isinusulat ito ay nagsasagupa din sa matira-matibay na labanan para makausad sa susunod na yugto ang Thunderz at ang Ateneo De Manila Juniors.

Dinomina ng Ateneo ang laban matapos umiskor ng isang homerun sa first inning, dalawa sa ikatlo at ikaapat na inning at apat sa ikalima upang agad isara ang pinto sa karibal sa UAAP na UST. Agad nabigo sa una nitong laban ang Ateneo kontra sa Adamson, 6-7, upang mahulog sa must-win na laban.

Nagkasama-sama sa huling puwesto ang anim na koponan matapos mabigo sa kani-kanilang unang laban. Nabigo ang RTU sa UP, 3-4, habang yumukod naman ang UST sa nagtatanggol at asam ang ikatlong sunod na korona na Philippine Air Force, 2-12. Ang ADMU Juniors ay nabigo naman sa IPPC na dating Philab, 10-0. (ANGIE OREDO)