Alexis Olgard of Philips vs jaja Santiago of Foton copy

Mga laro sa Martes sa San Juan Arena

4:00 pm Foton vs Meralco

6:00 pm RC Cola vs Philips Gold

'Aapela raw!' John Amores 'di tanggap pagkawala ng professional license?

Siniguro ng Philips Gold Lady Slammers ang isang silya sa semifinals matapos nitong tuluyang patalsikin ang Meralco Power Spikers sa loob ng tatlong set, 25-12, 26-24 at 25-19 sa ginanap na Spike On Tour ng 2015 Philippine Super Liga Grand Prix dito sa Malolos Convention Center.

Agad nag-init ang Lady Slammers sa pangunguna ng mga import na sina Alexis Olgard na mula sa University of Southern California Trojans at Bojona Todorovic mula sa UCLA upang dominahin ang unang set sa pagnanais na rin ni Philips Gold coach Francis Vicente na makuha ang laban sa loob lamang ng tatlong direstong set.

Ito ay dahil kinakailangan ng Philips Gold na makuha ang nakatayang buong puntos sa pagwawagi sa straight sets upang mapatatag nito ang pagbabatayan sakaling magkaroon ng posibleng pagtatabla sa pagdedetermina kung sino ang ookupa sa una hanggang ikaapat na puwesto matapos ang eliminasyon.

Ang panalo ay nag-angat din sa Lady Slammers sa kabuuang 5-2 panalo-talong kartada para sa ikatlong puwesto sa likod lamang ng nangunguna na nagtatanggol na kampeon na Petron Blaze Spikers na may 6-2 panalo-talong karta at kapantay na Cignal HD Spikers na mayroon din 5-2 karta.

Nagpilit naman ang Meralco na maitala ang unang panalo matapos makipaglaban sa ikalawang set kung saan itinala pa nito ang 24-22 abante bago na lamang nanghina sa pagbibigay ng apat na sunod na puntos sa Philips Gold na inagaw ang panalo sa iskor na 26-24.

Tuluyan naman na pinamunuan ni Olgard ang Lady Slammers sa ikatlong set kung saan itinala nito ang kabuuang 10 attacks, limang block at ang krusyal na service ace na nagbigay sa koponan ng 23-13 abante tungo na sa pag-uwi sa importanteng panalo.

Nalasap naman ng Meralco Power Spikers ang ikapitong sunod nitong kabiguan sa torneo. (Angie Oredo)