KAPANALIG, maganda ba ang kinabukasan ng maliit na mamumuhunan sa ating bayan? Marami sa ating mga maliliit na negosyante ay humaharap sa kabi-kabilang balakid sa kanilang mga negosyo. Unang una rito ay ang kakulangan sa access sa pondo.

Sa ating bansa, bago ka makautang sa mga financial institutions, maraming mga kahingian na kailangang punan. Ito ang pangunahing pangamba ng mga maliit na negosyante o small and medium enterprises (SMEs)ang inaakala nilang maraming documentary requirements. Ang balakid na ito ay pumipigil sa marami na magsimula ng legal na negosyo, magpalaki ng negosyo, o kumuha ng karagdagang tauhan.

Pangalawa sa mga balakid sa mga maliit na mamumuhunan ay ang kolateral. Karamihan sa mga SMEs ay walang kolateral na maibibigay. Kung meron man, ito ay ang kanilang mga mumunting pag-aari, gayang sariling bahay at lupa, na kailangang pang isangla o ikolateral para lang maka-access sa pondo.

Marami ring mga SMEs ang kulang ang kaalaman sa iba pang aspeto ng pagnenegosyo, gaya ng niche marketing, pagpapalawak o expansion, at paghawak ng tao. Marami mang mga seminars o pagsasanay ukol dito, mahal ito para sa maraming mamumuhunan o lubhang kumukuha ng maraming oras at panahon sa pagnenegosyo.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Kulang din ang kaalaman ng maraming maliit na negosyante ukol sa mga programa ng pamahalaan na makakatulong sa pagpaunlad at pagpalawak pa ng kanilang kabuhayan. Kakaunti lamang, halimbawa, ang nakakaalam sa ASENSO program o Access of Small Enterprises to Sound Lending Opportunities ng gobyerno.

Ayon sa isang pag-aaral ng Philippine Institute for Development Studies (PIDS) noong 2011, mahigit pa sa 90% ng mga business enterprises sa bansa ay micro enterprises, habang 8% dito ay SMEs. Hindi makakaila na napakalaki ng kontribusyon ng mga maliliit na negosyante sa ating ekonomiya.

Kailangang matulungan pa natin, lalo na ng estado, ang mga maliit na mamumuhan, lalo na sa aspeto ng pagiging likas-kaya o sustainability. Ang kalakasan at katatagan ng maliliit na negosyante ay katatagan din ng ekonomiya.

Isa sa mahalagang tugon dito ay impormasyon  ukol sa access, mga makatarungang loan payments, pati na mga business opportunities at training. Dito malaki ang pagkukulang. Hindi lamang natin napipigilan ang pag-unlad ng negosyante, nasasayang din ang mga programang nilalatag ng iba’t ibang ahensya. Ito ay taliwas sa minimiti nating social justice o panlipunang katarungan.

Ayon sa Caritas en Veritate ni Pope Benedict XVI, “Economic life undoubtedly requires contracts, in order to regulate relations of exchange between goods of equivalent value. But it also needs just laws and forms of redistribution governed by politics, and what is more, it needs works redolent of the spirit of gift.” Ang estado ay hindi dapat malimit sa palitan ng pera na nangyayari sa merkado. Kailangan ituon din nito ang atensyon sa makatarungan at makatutulong na batas at aksyon para sa maliit namamumuhunan, bilang pagkilala at pag-alaga sa kanilang kontribusyon sa lipunan.

Sumainyo ang katotohanan. (FR. ANTON PASCUAL)