GINAWARAN ng parangal ang values-oriented program ng ABS-CBN na Nathaniel dahil sa aral at kagandahang asal na naibahagi nito sa mga manonood, lalo na sa kabataan sa katatapos na 37th Catholic Mass Media Awards (CMMA).

Dumalo at tinanggap nina Marco Masa, Gerald Anderson, Pokwang, at Yesha Camile ang Best Children and Youth Program award at ang Special Award for Promoting Good Christian Values and Strong Faith in the Lord.

Sa ilalim ng produksiyon ng Dreamscape Entertainment, ang Nathaniel ay isa sa pinakapinapanood na programa tuwing gabi simula nang umere noong Abril. Umabot sa 42% ang nationwide ratings nito ayon sa viewership survey ng Kantar Media, katunayan ng hindi matatawarang pagtangkilik ng viewers sa programa.

Tinutukan ang Nathaniel hanggang sa pagtatapos nitong Setyembre dahil sa magagandang aral at asal na ipinapakita sa kuwento ng show. Itinuro at ipinaalala ng batang anghel na si Nathaniel na lagi lamang maniwala sa Panginoon at lagi lamang Siyang nandiyan sa oras ng matinding unos. Naging halimbawa rin si Nathaniel ng isang madasaling bata na malapit sa Panginoong Diyos.

Tsika at Intriga

'Nothing left for me to do but dance!' Latest post ni Daniel Padilla, umani ng reaksiyon

Bukod sa Nathaniel, ang May Bukas Pa, 100 Days to Heaven, at Oh My G! ay ilan din sa mga palabas ng ABS-CBN na nakapagbigay-aral at nakapagpaigting ng relasyon ng mga manonood sa Maykapal.

Ang CMMA ang taunang pagbigay ng parangal sa mga institusyon at mga indibidwal mula telebisyon, radyo, film, advertising at internet na nagpapahalaga sa aral at turo ng Simbahang Katoliko.