please crop_ALDUB LANG PO copy

DAHIL sa biglang pagsikat ni Alden Richards, pinakain niya ng alikabok ang mga kasamahan niya sa kuwadra ng Kapuso Network. Kaya no doubt, kay Alden ngayon nakatutok ang management ng GMA-7.

Dahil din sa biglang pagsikat ng tambalang Alden at Maine Mendoza, obserbasyon ng beteranang aktres na aming nakausap, naka-focus sa kanila ngayon ang Siyete kaya parang napapabayaan na ang iba pa nilang alagang love teams.

Pinagbasehan ng kausap namin ang kuwento sa kanya ng isang GMA executive na pagdating sa pag-alaga ng talents ay malayung-malayo ang Artists Center ng Kapuso Network sa kalabang Star Magic ng ABS-CBN.

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

“Dapat sana bukod sa suportado nila ang AlDub, eh, i-push naman nila ‘yung iba pa nilang love teams. Binuwag nila ang tambalang Elmo Magalona at Janine Gutierrez na ipinareha na lang sa ibang actor.

‘Tapos ngayon binuwag din nila ang Gabbi Garcia at Ruru Madrid na marami na rin sanang supporters. Ipinareha nila si Ruru kay Barbie Forteza.

“’Tapos kung anu-ano pang maling ginagawang desisyon nila ngayon sa iba pa nilang alagang young stars,” siyentimento pa ng beteranang aktres na may ginagawang serye sa GMA ngayon.

Obserbasyon pa ng kausap namin, mukhang malalaos agad ang iba pang love teams ng Siyete dahil sa biglang pagsulpot ng AlDub.

“Hindi naman kasi sila magaling mag-push ng talent. Kung sino lang kasi ang sikat, eh, doon lang sila nakatuon ng pansin. ‘Yung iba bahala na,” pailing-iling na banggit ng kausap namin.

Sabi pa ng beteranang aktres, mabuti pa raw ang mga sikat na love teams ng Dos, hindi apekatado sa pagsulpot ng AlDub.

“Tingnan mo ang love team nina James Reid at Nadine Lustre sobrang patok na patok pa rin at alam naman nating pinapakain nila ng alikabok ang katapat na show ng kanilang On The Wings of Love.”

No comment na lang kami. Or else. Or else daw, o! (JIMI ESCALA)