CABANATUAN CITY - Sa kagustuhang makabangong muli ang mga biktima ng super typhoon ‘Lando’, nagpasya ang pangasiwaan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR), batay sa kahilingan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), na lumagda sa deed of donation ang dalawang kagawaran nitong Nobyembre 5, 2015, para sa mga nasalanta ng bagyo.

Ayon kay DENR-Region 3 Director Francisco Milla, Jr., binigyan ng basbas ni DENR Secretary Ramon Paje si Milla na pumasok sa isang kasunduan na may go signal din ni Pangulong Benigno Aquino III, para sa pagpapatayo ng mga bahay para sa mga biktima ng bagyo.

Ang ido-donate ay 24,000 board feet, na mga lumber at flitches, at para sa rehabilitasyon at pagkukumpuni ng mga bahay ng mga apektadong pamilya sa Aurora. (Light A. Nolasco)
Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?