Niyanig ng magnitude 4.7 na lindol ang Davao City kahapon.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), natukoy ang epicenter ng pagyanig sa 16 na kilometro, kanluran ng Davao City.

Sinabi ng Phivolcs na dakong 1:33 ng madaling-araw nang maramdaman ang lindol.

Bukod sa Davao City, naramdaman din ng Intensity 3 sa Kidapawan City.

National

Eastern Police District, nakaantabay na sa pagbubukas ng klase sa June 16

Walang naiulat na nasaktan o nasalanta sa nasabing pagyanig. (Rommel P. Tabbad)