Bahagi ng 50,000 katao na nanoood ng 'Kapuso Fans Day ni Alden' sa Iloilo copy

“ALDEN Rocks Iloilo!”

Ito ang text message mula kay Oliver Amoroso, GMA assistant vice president for regional operations, na nakarating sa amin sa pamamagitan ni Ms. Angel Javier-Cruz na head naman ng GMA CorpCom early morning kahapon, Saturday.

“Alden again made history tonight (Friday, November 6), in Iloilo. As per local security and mall marketing, crowd estimate is at 50K. All roads leading to the venue were occupied with people. They arrived as early as 11:00 a.m. and stayed until the event was over. 

Human-Interest

ALAMIN: Pagbibigay ng 13th month pay sa mga empleyado, paano nagsimula?

Some even camped out at Robinson’s Place grounds. You don’t see people at the other side of the city, no traffic or vehicles, as the people were all around Robinson’s. If I had goosebumps in Cebu (nag-show din doon si Alden last month), here in Iloilo, I am very very amazed!”

Alas singko ng hapon noong Friday dapat ang “Kapuso Fans Day ni Alden” pero na-delay ang flight niya kaya 8:00 PM na siya nakarating sa Iloilo, kaya dumiretso na siya sa Robinson’s Place. Natapos ang show ng 9:40 PM at as per Twttter posts ng AlDub Nation na nasa Iloilo, hindi nag-alisan ang mga tao at hinintay nila ang pagdating ni Alden hanggang sa matapos ang show.

Naisulat namin last Friday na na-anticipate na ng Iloilo City local government ang pagdagsa ng AlDub Nation na manonood ng show kaya nag-issue na sila ng traffic rerouting sa kahabaan ng Paseo de Iloilo mula 7:00 AM to 9:00 PM. Hindi kasi puwedeng gawin ang show sa loob ng Robinson’s Place kaya sa Paseo de Iloilo itinayo ang stage.

Sa nakitang post kung gaano karami ang tao sa Kapuso Fans Day ni Alden (mag-isa lang siya), nagtatanong tuloy ang AlDub Nation, paano na kung ang magkasama pa sila ni Maine Mendoza (Yaya Dub) to promote their MMFF movie, My Bebe Love?

Puwede kayang sa Luneta Grandstand gawin ang fans day para makapanood ang lahat ng AlDub Nation? Kung nagamit ng Eat Bulaga ang Philippine Arena, bakit hindi puwedeng magamit din ang Luneta Grandstand, on a Sunday para walang traffic?  

Tanungin natin ang producers ng My Bebe Love na sina Bossing Vic Sotto ng M-Zet Productions, Boss Orly Ilacad ng OctoArts Films at Mr. Tony Tuviera ng APT Entertainment. (NORA CALDERON)