KIDAPAWAN CITY – Sa halip na sa mental hospital dalhin, sa piitan ng himpilan ng pulisya idiniretso ang isang lalaki, na umano’y may diperensiya sa pag-iisip, matapos itong makuhanan ng hindi lisensiyadong baril sa isang checkpoint sa siyudad na ito, kahapon ng umaga.

Kinilala ni Supt. John Meridel Calinga, hepe ng Kidapawan Police, ang suspek na si Patrocinio Ramos Bulario, 73, residente ng Barangay Amas.

Lulan ang suspek sa isang Toyota Hi-Ace (TY-5525) nang maharang ng pulisya sa national highway, dakong 8:00 ng umaga.

Lumitaw sa police report na ang van ay minamaneho ng anak ng suspek na si Senior Jail Officer 3 Jessie Bulario.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Ayon sa kanyang mga kaanak, nakararanas si Patrocinio schizophrenia o ang pagkakaroon ng dalawang personalidad.

Sinabi ng jail officer na patungo sana sila sa Davao City upang dalhin ang kanyng ama sa isang mental institution nang maaresto sila sa police checkpoint.

Ngunit sinabi ni Calinga na batay sa impormasyong natanggap ng pulisya, may kidnap victim umano na nakasakay sa kinalululanan ni Patrocinio. (Malu Cadelina Manar)