Bumagsak sa kamay ng mga pulis ang dalawa sa apat na lalaki na umano’y nagsalitan sa panghahalay sa isang dalagitang may kapansanan, sa follow-up operation sa Valenzuela City, kamakalawa ng gabi.

Sa panayam kay SPO2 Lorena Hernandez, officer-in-charge ng Women’s Children and Protection Desk (WCPD), kasong rape ang kinakaharap nina John Elmark Francisco, 20; at Jefferson Zuñiga, 23, kapwa nakatira sa No. 40, Malinis Street, Barangay Lawang Bato ng nasabing lungsod.

Sa pautal-utal na salaysay ng 16-anyos na biktima, na itinago sa pangalang “Joan,” kay SPO1 Susan Gacutan sinabi niya na una siyang hinalay ng mga suspek sa bahay ni Zuñiga noong Oktubre 1, na sinundan pa nitong Nobyembre 1, 2015.

Dahil dito, nagsumbong ang dalagita sa kanyang tiyahin na agad namang humingi ng tulong kay Hernandez.

National

32 katao naitalang naputukan; FWRI cases sa bansa, pumalo na sa 101!

Sa pangunguna ni Senior Insp. Milan Naz, unang naaresto si Francisco sa bahay nito, dakong 8:00 ng gabi at sumunod si Zuñiga, na noo’y nasa loob ng pinapasukang pabrika sa Lawang Bato, bandang 9:00 ng gabi.

Nabatid na si Francisco ay dating nobyo ni Joan at nag-break sila noong Hulyo 2015.

Itinanggi naman ng mga suspek ang akusasyon ng biktima. (Orly L. Barcala)