Laro ngayon

Al –Wasi Stadium-Dubai

8 p.m. Alaska vs. Barangay Ginebra

Habang isinusulat ang balitang ito ay naghahanda pa lamang ang Alaska sa kanilang unang laro kontra Mahindra at magiging malaking kuwestiyon ang kondisyon ng mga manlalaro ng Aces ngayong araw na ito sa pagsabak naman nila sa ikalawang sunod na laro sa Dubai kontra Kings.

'Aapela raw!' John Amores 'di tanggap pagkawala ng professional license?

Gaya ng laban nila sa Enforcers, ganap 8:00 din ng gabi ang laban ng Aces at Kings sa Al Wasi Stadium.

Ngunit kahapon pa lamang ay nagpahiwatig na si Alaska coach Alex Compton na hindi maganda ang kondisyon ng kanyang mga player dahil sa inabot na matinding trapik doon na gaya ng dinaranas natin dito sa Manila.

“Last night we’re able to find the gym after a lot of efforts. We stayed in the bus yesterday for about six hours, hindi maganda sa katawan ng mga players. We brought Manila traffic with us,” ani Compton.

Gayunman, mabilis naman itong bumawi sa pagsasabing magsisikap silang maisagawa ng maayos ang kanilang transition defense at mapahirapan ang Mahindra sa kanilang executions at malaki ang kanilang tsansa.

Sa kabila ng nanatiling duda kung kakayanin ng Aces na manalo ng dalawang sunod, gaya ng Mahindra ay magkukumahog namang bumawi ng Kings sa naunang kabiguan na nalasap sa kamay ng Star at Barako Bulls upang makaiwas na malaglag sa pinakabuntot ng team standings kung saan sila naroroon ngayon kasalo ng Meralco at unang katunggali ng Aces na Mahindra taglay ang barahang 0-2, panalo-talo.

Sakaling magwagi ang Alaska, papantay sila sa Rain or Shine sa pangingibabaw sa barahang 3-0, panalo-talo matapos ang malaking panalo nito kontra defending champion San Miguel Beer noong Miyerkules ng gabi, 98-84. (Marivic Awitan)