MARIANA, Brésil (AFP) – Nawasak ang isang dam sa isang mining waste site sa Brazil, na nagresulta sa pagkamatay ng 17 katao at mahigit 50 pa ang nagtamo ng mga pinsala, sinabi ng isang fire chief.

“The number of missing is going to surpass 40 but that is not official,” sabi ni Adao Severino Junior, fire chief sa lungsod ng Mariana sa timog silangang estado ng Minas Gerais.

Ayon kay Junior, ang pamayanan ng Bento Rodrigues malapit sa dam ay nakabaon ngayon sa putik, habang patuloy ang rescue operations.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina