Dalawang mangingisdang Pinoy ang namatay makaraang sabuyan ng asido sa nangyaring rambulan habang sakay sa fishing boat sa Kaohsiung, Taiwan.

Bukod sa namatay, dalawang Pinoy at isang Vietnamese ang nasugatan sa insidente.

Ayon sa impormasyong ipinarating ni Rolen Estember, ang mga biktima ay tubong Roxas City, Capiz at Zamboanga City.

Sinabi ni Estember na nasa northern Pacific sila mula sa Nanfang’ao sa silangang Taiwan nang magrambulan ang mga mangingisdang Pinoy at Vietnamese habang sakay sa isang fishing boat.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Anim sa mga Pilipinong biktima ang sinabuyan umano ng mainit na tubig at arsenic acid, na agad na ikinamatay ng dalawa sa kanila.

Isasailalim sa autopsy examination ang bangkay ng dalawang Pilipino bago iuwi ang labi sa bansa.

Nabatid na sakay sa fishing vessel ang 52 crew— kabilang ang tatlong Taiwanese, 15 na Indonesian, 15 Vietnamese, at 19 na Pinoy—nang mangyari ang insidente. (Fer Taboy)