Korina kasama ang mga beki copy

TUWANG-TUWA si Ms. Korina Sanchez-Roxas sa naging matagumpay na KeriBeks Job Fair sa SM North Skydome.

In full force ang mga miyembro ng LGBT community sa kauna-unahang KeriBeks Job Fair na umabot sa mahigit isang libong bekis, lesbians, at transgender ang nakiisa.

Isang buong araw na fair ang inilaan para sa kanila sa unang event ng KeriBeks matapos ang matagumpay ding gay congress sa Araneta Coliseum noong Agosto.

Human-Interest

ALAMIN: Pagbibigay ng 13th month pay sa mga empleyado, paano nagsimula?

Makikita sa larawan na kasama ni Korina ang lima sa maraming LGBT members na umuwing may trabaho—hired on the spot, wika nga.

Isa si Daniel “April” Lince, 50 years old, taga-Marikina, sa mga natanggap bilang call center agent sa isang BPO company.

Dating entertainer sa Japan si April na dalawang taon na ring walang trabaho dahil inalagaan niya ang mga magulang na magkasunod namang yumao. Kaya nang marinig niya ang panawagan ni Korina sa radyo na may KeriBeks Job Fair, na eksklusibo para sa mga miyembro ng LGBT community, agad siyang pumunta sa event.

“Natakot ako kasi baka hindi ako matanggap dahil overage na nga ako, ‘buti na lang doon sa call center na inaplayan ko, tumatanggap sila kahit singkwenta na. Ang laking blessing talaga nito para sa akin,” kuwento ni April.

Hired on the spot din bilang call center agent si Xyza “Lance” Ravinera, na nakapagtapos ng Civil Engineering sa New Era University at edad 31.

Taga-Pampanga naman si Garry David na nakapasok bilang administrative associate sa isang BPO company.

At swak din na ang mister ni Korina na si Mar Roxas, ang tinaguriang Ama ng Call Centers sa bansa, dahil siya ang opisyal na nagpalago ng industriyang ito sa Pilipinas.

Si Jan Rey “Yeng” Cuico, 26 taong gulang na walang permanenteng trabaho at suma-sideline lang sa pagme-make-up ay nakakuha ng kontrata, hired on the spot sa Team Sir George Salon, na isa sa mga kumpanyang nag-participate sa job fair.

At ang dating service crew na si John Ernest Marco, hired on the spot bilang office assistant sa isang dental clinic.

Sa buong maghapong job fair ay may mga booth din na puwedeng ikutan ang mga nag-aaplay ng trabaho na may libre pang pagkain, kape, at gupit at face painting.

Nagbigay din ng HIV/AIDS awareness and prevention talk ang grupong Project Red Ribbon at isinabay din sa araw na iyon ang signature campaign para sa pagsusulong sa Kongreso ng Anti-Discrimination Bill (ADB) na akda nina Congresswomen Leni Robredo at Kaka Bag-ao.

Ang ADB ay para sa pantay na karapatan ng mga beki at buong LGBT community partikular sa mga usapin ng gender identity at expression, ganoon din sa mga isyu tungkol sa diskriminasyon sa trabaho at serbisyong panlipunan.

Sinundan ang fair ng mini-concert na tinampukan ng naguguwapuhang grupo na 1:43 at ni Dessa.

Ang Keribeks Job Fair ay inorganisa ni Ms. Korina Sanchez-Roxas para mabigyan ng pagkakataon ang mga miyembro ng LGBT community na makahanap ng magandang trabaho na walang nararamdaman at hinaharap na diskriminasyon.

(REGGEE BONOAN)