Umabot sa P3.4 milyon halaga ng imported na kemikal na ginagamit sa pagmimina ng ginto ang nasabat ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BoC) sa Mindanao Container Terminal (MCT) sub port sa Tagoloan, Misamis Oriental.

Nakalagay sa dalawang 20 footer container van ang 720 drum ng sodium cyanide na ayon sa mga dokumento nito ay mula sa Korea at naka-consigned sa isang local mining company sa Bgy. Poblacion Trento, Agusan del Sur.

Nadiskubre ng grupo ni BOC-EG (Enforcement Group) Deputy Commissioner Ariel Nepomuceno na ang mga inangkat na kemikal ay “grossly undervalued”.

Ayon sa Import and Assessments Service (IAS), ang wastong halaga ng kargamento ay $2.08/kg., sa halip na ang ideneklara na $0.30/kg. Taliwas din sa deklarasyon sa Customs ang halagang P808,183, na batay sa official assessment ay nagkakahalaga ng P3,497,270. (Mina Navarro)

Probinsya

6 dayuhang nagsasagawa ng medical mission sa Leyte, ninakawan!