Mahigpit na ipinagbabawal ng Simbahang Katoliko ang pagbabasbas ng mga bagong estatwa, imahe o anumang object of devotion, na gawa sa ivory bilang protesta sa poaching.

Ayon kay Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) president at Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas, dapat na gawin ng simbahan ang parte nito upang itaas ang kamalayan ng publiko kaugnay sa illegal ivory trade.

Iginiit ni Villegas na lahat ng hayop ay dapat ring igalang.

Hinimok niya ang mga obispo na huwag basbasan ang mga relihiyosong bagay na gawa sa protected at endangered species.

National

Malacañang, nagpaliwanag sa pag-alis kay VP Sara sa NSC: ‘Not considered relevant…’

“I appeal to my brother bishops of the Philippines to prohibit the clerics from blessing any new statue, image or object of devotion made or crafted from such material as ivory or similar body parts of endangered or protected, nor shall such new statues or images be used as objects of veneration in any of our churches,” ani Villegas.

Aminado si Villegas na sa Pilipinas pa lamang, hindi na naaalagaan ang mga endemic species at nakakaalarma ito, lalo na sa global scale.

Binigyang diin ng arsobispo na kahit pa gaano kaganda ang isang likhang sining ay hindi ito sapat na rason para pumatay ng wildlife.

“Every instance of beauty is a reflection of the infinite beauty of the Creator. We cannot, without offending the Creator, deface his creation,” ani Villegas. (Mary Ann Santiago)