Umiskor si Damian Lillard ng 35 puntos habang nagdagdag naman si C.J. McCollum ng 27 puntos nang igupo ng Portland Trail Blazers ang Utah Jazz 108-92 sa pagpapatuloy ng aksiyon sa NBA sa Salt Lake City.

Nagtala si Lillard 14 for 27 shooting para sa kanyang ikalawang sunod na 30-plus-point game. Habang tumapos naman ang mga kakamping sina Al-Farouq Aminu na may 13 puntos at Mason Plumlee na may 12 puntos at 16 rebounds upang tulungang maipanalo ang Portland.

Nagposte si Gordon Hayward ng kanyang season-high 19 puntos para sa Jazz habang nag-ambag naman si Trey Burke ng 17 mula sa bench.

Sumalang ang Jazz sa laro bilang No. 1 defensive team sa NBA, ngunit hindi ito nakita sa laro nila kontra Portland na nawalan ng apat na starters sa nakaraang offseason.

6 koponan nagbabalak ligwakin ang PVL; lilipat daw sa bagong liga?

Nagbigay ang Jazz ng 30 second-quarter points, ang pinakamarami nila sa isang period ngayong season.

Sa isa pang laban, nagsalansan naman si James Harden ng 28 puntos kabilang na rito ang 7 na itinala niya sa overtime, period upang tulungang iangat ang Houston Rockets kontra Orlando Magic, 119-114 sa larong ginanap sa homecourt ng una.

Naging dikdikan ang nasabing laban na nagkaroon ng 18 beses na pagtatabla ng iskor at 22 pagpapalitan ng kalamangan.

Umiskor sina Dwight Howard at Harden ng back-to-back layups para simulan ang laban para sa Houston sa overtime ana nagbigay sa kanila ng 114-110 na kalamangan.

Nakaiskor pa si Evan Fournier para sa Orlando bago ang 3-point play by Harden na nag-angat sa bentahe nila sa 117-112.

Idinikit pa ni Shabazz Napier ang iskor sa 117-114 sa pamamagitan ng isang jumper, may 2:30 pang nalalabi sa overtime.Ngunit iyon na ang pinakahuli nilang basket sa laban habang nagtala pa si Harden ng dalawang free throws may natitira na lamang 0.9 segundo sa orasan para tiyakin ang panalo.

Tumapos na topscorer para sa Magic si Fournier na may 29 puntos at 4 na assists. (AP)