Maglulunsad ang grupo ni Congressman Nicanor “Nick” Briones ng Agricultural Sector Alliance of the Philippines (AGAP) ng limang araw na “pig holiday” bunsod ng patuloy na nagaganap na technical smuggling ng karne ng baboy at manok sa bansa.

Ayon kay Rep. Briones, nawawalan na ng halos P2 bilyon kada buwan ang mga backyard hog and poultry raiser sa bansa dahil sa technical smuggling na pinalulusot ng mga tiwaling opisyal ng Bureau of Customs (BoC).

Sinabi ni Briones na isinasapinal na nila ng petsa ng malaking kilos prostesta na tiyak na mawawalan ng supply ng baboy at manok ang mga pamilihan upang ipakita kay BoC Commissioner Lina dahil sa kawalan nito ng aksiyon at malasakit para matigil ang katiwaliang ito.

Ayon kay Briones, bumagsak na ang farm price ng baboy mula sa dating P118/kilo noong Setyembre ay P100/kilo na lamang ito ngayong Nobyembre.

Internasyonal

Mga Pinoy na ilegal na naninirahan sa Amerika, binalaan ng PH Ambassador

Aniya, pinalulusot ng mga smuggler sa taba, balat, laman-loob ang kanilang mga inaangkat na frozen meat upang makapagbayad lamang ng limang porsyento ng buwis sa halip na 30-40 porsyento kaya nawawalan ng P1 milyong buwis kada container van ang gobyerno. (Mary Ann Santiago)