PBA_Painters_08jpeg_Dungo copy

Laro ngayon

Al Wasi Stadium-Dubai

7 p.m. (11 pm. Manila time)

'Iconic women!' Pinakamalaki at pinakamaliit na babae sa buong mundo, nagkita!

Alaska vs. Mahindra

Alaska kontra Mahindra.

Makasalo sa kasalukuyang pamumuno ng tatlong lider NLEX, Rain or Shine at San Miguel Beer ang tatangkain ng Alaska sa pagsabak nito kontra Mahindra para sa una sa nakatakda nilang dalawang laro sa Dubai sa pagpapatuloy ng aksiyon sa 2016 PBA Philippine Cup sa Al Wasi Stadium.

Nagsosolo sa ikalawang puwesto ang Aces kasunod ng naunang nabanggit na tatlong teams na may mga barahang 2-0, panalo-talo taglay ang kartadang 1-0.

Pinataob ng Aces sa pamumuno ni Vic Manuel, Jayvee Casio at mga Gilas standouts Sonny Thoss at Calvin Abueva ang Talk ‘N Text, 114-98 sa una nilang laban noong Oktubre 3.

Sa kabilang dako, nasa ilalim naman ng standings ang Enforcers matapos mabigo sa una nilang laro sa kamay ng Rain or Shine. 94-108 noong Oktubre 25.

Tiyak na aantabayanan ng mga PBA fans sa Dubai ang magiging kapalaran ng Aces kung kakayanin nitong makalusot sa dalawang magkasunod na laro kontra Mahindra at Barangay Ginebra para sa solong pamumuno sa liga.

Nauna nang gumawa nito ang Rain or Shine noong unang dumayo sa Dubai ang PBA noong Mayo, ngunit bigo itong maipanalo ang ikalawang laro laban sa Ginebra na may pagitan lamang kulang-kulang 24 oras sa nauna nilang laban kontra Globalport.

Anuman ang maging resulta ng nasabing dalawang laban, inaasahang ikasisiya ito ng mga Filipino basketball fans sa bahaging iyon ng Gitnang Silangan na siyang pangunahing dahilan ng pagdaraos ng PBA games bilang pasasalamat sa malaking kontribusyon ng mga ito sa pagpapaunlad ng ekonomiya ng ating bansa.

Dagdag pang atraksiyon at kasiyahan para sa mga fans ang pagsama ni Mahindra playing coach at People’s Champ Manny Pacquiao sa Enforcers.

Inaasahang mangunguna para sa tropa ni Pacman ang mga beteranong sina Nino Canaleta, Eddie Laure, Rich Alvarez,, LA Revilla, at ang prized rookie na si Bradwyn Guinto na sa debut game nito kontra Elasto Painters ay nagtala ng double-double 17 puntos at 13 rebounds.

Samantala, isa pang NCAA player ang nakatakdang mag-debut sa liga bilang miyembro ng Aces sa katauhan ni dating Letran Knight Kevin Racal.

Kagagaling lamang sa pamumuno sa kanilang koponan sa pagtapos ng limang taong paghahari ng San Beda College sa “country’s oldest collegiate league”, lalaro na ngayon si Racal para sa Alaska.

Pinili ng dati niyang coach na si Louie Alas na isa sa mga assistant coaches ng Aces, nabigyan ng pagkakataon si Racal na makapaglaro sa Letran nang makita ito ni Alas noong 2010 sa Coca-Cola Hoopla kung saan nanguna ito para sa Pamantasan ng Lunsod ng Muntinlupa sa kampeonato at siya ang nahirang na MVP.

Lumagda si Racal ng 2-taong multi-milyong kontrata para sa Alaska, isang araw makalipas nilang magkampeon sa NCAA.

(MARIVIC AWITAN)