BEIRUT (AFP) — Ginamit ang mustard gas sa labanan nitong tag-araw sa Syria, sinabi ng global chemical weapons watchdog noong Huwebes, habang nakubkob ng mga jihadist ang isang bayan mula sa puwersa ng rehimen.

Ang nakamamatay na gas ay ginamit sa bayan ng Marea sa hilagang lalawigan ng Aleppo noong Agosto 21, sinabi sa AFP ng isang source mula sa Organisation for the Prohibition of Chemical Weapons (OPCW). “We have determined the facts, but we have not determined who was responsible,” aniya.

Dumarami ang mga alegasyon na gumagamit ang mga militanteng jihadist ng armas at kemikal nitong mga nakalipas na buwan kapwa sa Iraq at Syria.

Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'