MATTEO GUIDICELLI copy

ISA si Matteo Guidicell sa showbiz personalities na dapat tularan when it comes to prioritizing their future. Tatahi-tahimik lang ang sportsman-turned-actor pero andami na pala niyang investments, lalo na sa real estates, sa Cebu.

Kaya sabi ng mga taong personal na nakakakilala sa kanya, kahit talikuran niya ang pag-aartista, magbubuhay-mayaman pa rin si Matteo.

Sa isang panayam, hindi ikinaila ni Matteo ang kanyang investments sa Cebu at may plano rin siyang entrepreneurial venture sa Manila sa lalong madaling panahon.

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

“I’ve invested in properties, I have other businesses that I’m putting up in Cebu, I have restaurants and next year I have something planned here in Manila,” ani Matteo na kagaya ni Piolo Pascual ay sa SunLife inuumpisahan ang pagbuo ng mga pangarap.

Dahil sa paghahanda sa kanyang future, naitanong sa binata kung nakahanda na ba siyang mag-asawa.

“P’wede naman... but I’m not contented yet. Siyempre you want to be comfortable when you have a family, di ba?

That’s what I’m getting ready for.”

Napag-uusapan na ba nila ng kanyang girlfriend na si Sarah Geronimo kung paano sila magiging magkatuwang sa pagpupundar ng kanilang investements?

“We didn’t talk about that, but me, personally as an individual, I have so many things to do for myself, so many dreams to do for myself. Yes, she’s my girlfriend but we are not married yet, so I want to make my stable strong and be prepared for the days,” makatwirang sagot ni Matteo.

“Me as a person when the time comes, I want to be comfortable enough and give what my family deserves so today is the right time to start.”

Nakakabilib si Matteo, siguro nga dahil sa kanyang sincerity sa pagmamahal kay Sarah kaya nagtatagal ang kanilang relasyon sa kabila ng maraming pagsubok.

“Like anything else I don’t think about what’s today, (I) think about the long run, what’s going to happen in the far future and plan for that. Siyempre what we prepared for today is what we are going to have in the future,” sey pa ng binata. (ADOR SALUTA)