AGAD ginastos ng Red Cross ang pondo para sa mga naging biktima ng kalamidad upang mabawasan ang kanilang dinaranas na paghihirap. Ang pagpapatagal sa paggamit ng disaster fund at donasyon para sa mga nabiktima ay pagiging manhid at pagiging kriminal sa parte ng gobyerno.

Hindi nakapagtataka kung nadismaya si Senator Bongbong Marcos sa tila pagiging manhid ng gobyerno sa pangangailangan ng mga biktima ng kalamidad, partikular na sa pamilyang biktima ng bagyong ‘Yolanda’ at iba pang bagyong pumasok sa bansa.

Nanawagan si Senator Marcos kay Pangulong Aquino na gamitin na agad ang pondo para sa pagpapatayo ng permanenteng bahay ng mga pamilyang nawalan ng tirahan dahil sa mga bagyo.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Dalawang taon na ang nakalipas matapos manalasa ang bagyong Yolanda sa bansa at ang Tacloban ang pinakatinamaan at kalapit nitong lugar.

Libu-libong biktima ang umaasa pa rin hanggang ngayon sa ipinangakong tulong sa kanila.

Kinondena na rin, base sa datos ng National Housing Authority (NHA), ng Anakpawis Party-list ang administrasyong Aquino sa pagkabigo nitong gamitin ang lahat ng donasyong nakalap mula sa iba’t ibang panig ng mundo upang tulungan ang mga nasalanta ng bagyo.

Ayon kay Anakpawis Rep. Fernando Hicap, “The rage of typhoon victims is indescribable over the Aquino government’s criminal negligence, many have died, starved, endured living in tents, make-shift camps, went bankrupt and lost their farms, and other hardship, but we are to discover that the donations, supposed to help them are hoarded. The Aquino government should held responsible for the mercilessness.”

Tungkol naman sa isyu ng tanim-bala, mismong si Davao City Mayor Rodrigo Duterte ang nanawagan na sa administrasyong Aquino na umaksiyon para matigil na ang kahiya-hiyang ilegal na aktibidad sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Taong 2012, nang magsampa ng kaso ang mga incumbent officials ng Tatay na pinangunahan ni Mayor Janet de Leon Mercado, bago kuwestiyunin ng Office of the Ombudsman ang nakatakdang pagpapatayo ng bagong Taytay public market.

Noong Setyembre 23, 2015 nang i-dismiss ni Ombudsman Conchita Carpio-Morales ang kaso laban kay dating Mayor George Gacula. (JOHNNY DAYANG)