Humiling din ang isang paksiyon ng Abu Sayyaf sa Jolo, Sulu, na pinamumunuan ni Al-Habsie Misaya, ng P1.2 bilyon sa pamilya ng dalawang Malaysian bilang kapalit ng paglaya ng kanilang bihag.

Matatandaan na dinukot ng armadong grupo ang kapwa Malaysian na sina Thien Nyuk Fun, 50, restaurant manager; at Bernard Then Ted Fen, 38, electrical consultant; sa Ocean King Seafood Restaurant sa Sandakan, Sulu noong Mayo 14.

Ayon sa source mula sa Moro National Liberation Front (MNLF) lumobo ang halaga ng ransom dahil sa “tongpats” ng ilang negosyador sa hostage-taking na tumanggi namang pangalanan ng rebeldeng grupo.

Sinabi ng source na kailangan nilang “ambunan ng biyaya” ang ibang paksiyon ng Abu Sayyaf at iba pang sibilyan upang magpatuloy ang kanilang pagtulong at suporta sa mga bandido.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Aniya, ang mga ito ang nagbibigay sa kanila ng pagkain, at nagbabantay laban sa mga puwersa ng gobyerno tuwing nagtatago ang mga Abu Sayyaf sa kanilang komunidad kasama ng kanilang bihag.

Sinabi pa ng source na nagsimula ang pamamahagi ng Abu Sayyaf sa mga sibilyang tagasuporta ng grupo noong Abril 2000, sa pagdukot sa mga turista sa Sipadan Island sa Sabah, Malaysia.