HANOI (AFP) — Dumating si Chinese President Xi Jinping sa Hanoi noong Huwebes para sa isang pagbisita na ikinagalit ng mga makabayang Vietnamese sa panahon ng kumukulong iringan sa pinagtatalunang teritoryo sa South China Sea.
Ilang oras bago ang pagbisita ni Xi -- ang una ng isang Chinese president sa Vietnam sa loob ng 10 taon -- nagdaos ang mga aktibistang kontra China ng protesta sa sentro ng Vietnamese capital at sa Ho Chi Minh City sa timog.
Nakatakdang makipagpulong si Xi kay ruling Communist Party chief Nguyen Phu Trong, President Truong Tan Sang at Prime Minister Nguyen Tan Dung sa kanyang dalawang araw na pagbisita.