WASHINGTON (Reuters) — Binabalak ng U.S. Navy na magsagawa ng mga pagpapatrulya sa loob ng 12 nautical miles ng mga artipisyal na isla sa South China Sea nang mahigit dalawang beses upang ipaalala sa China at sa iba pang bansa ang mga karapatan ng U.S. sa ilalim ng international law, sinabi ng isang opisyal ng U.S. defense noong Lunes.

“We’re going to come down to about twice a quarter or a little more than that,” sinabi ng opisyal, na hindi awtorisadong magsalita sa publiko kaugnay sa mga operational plan ng Navy.

“That’s the right amount to make it regular but not a constant poke in the eye. It meets the intent to regularly exercise our rights under international law and remind the Chinese and others about our view,” sinabi ng opisyal.

Sinabi ni U.S. Deputy National Security Adviser Ben Rhodes noong Lunes na magkakaroon ng mas maraming demonstrasyon sa commitment ng U.S. military sa karapatan sa malayang paglalayag sa rehiyon.

National

Romina, patuloy na kumikilos pahilaga; hindi na nakaaapekto sa Kalayaan Islands

“That’s our interest there ... It’s to demonstrate that we will uphold the principle of freedom of navigation,” ani Rhodes sa isang event na inihanda ng Defense One media outlet.

Nagkomento si Rhodes isang linggo matapos maglayag ang isang U.S. guided-missile destroyer malapit sa isa sa mga artipisyal na isla ng Beijing sa South China Sea noong nakaraang linggo.