Ang Tubbataha Reefs Natural Marine Park (TRNMP), isang marine protected area sa Pilipinas na matatagpuan sa gitna ng Sulu Sea, ay ilulunsad bilang isang ASEAN Heritage Park (AHP) sa Nobyembre 5.
Sinabi ni Karen Lapitan, development communications consultant ng ASEAN Centre for Biodiversity, sa isang invitation letter sa media na ang Tubbataha ay ilulunsad bilang heritage park matapos maaprubahan ang nominasyon nito sa 12th Informal ASEAN Ministerial Meeting on Environment noong Oktubre 2014.
Sinabi niya na ang world-famous marine park ay magiging ikapitong AHP sa Pilipinas.
Ang iba pang AHP ay ang Mt. Makiling Forest Reserve (Laguna), Mt. Hamiguitan Range Wildlife Sanctuary (Davao Oriental), Mt. Iglit-Baco National Park (Mindoro), Mt. Apo Natural Park (Davao), Mt. Kitanglad Range Natural Park (Bukidnon), at Mt. Malindang Range Natural Park (Misamis Occidental).
Ang AHP Programme ay isang flagship initiative ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN).
Ang programa ay isang network ng best protected areas ng ASEAN na mayroong high biodiversity at conservation values.
Disyembre 18, 2003 nang nilagdaan ng ASEAN Ministers of Environment ang ASEAN Declaration of Heritage Parks “in an effort to conserve areas of particular biodiversity important or exceptional uniqueness throughout the ASEAN member states.” (PNA)