Patuloy ang pakikipaglaban ng Taisho Pharmaceuticals (Philippines), Inc., sa nakamamatay na sakit na dengue kung saan magsasagawa ito ng 4th Paracetamol Tempra Run Against Dengue (Family Run 2015) sa Quirino Grandstand, sa Luneta Park sa Maynila sa Sabado (Nobyembre 14).
“Layunin po namin na makatulong sa Department of Health (DoH) na ma-minimize kung ‘di man tuluyang ma-eradicate ang dengue,” paliwanag ni TPPI marketing manager Cleo Roda Nodado sa lingguhang Philippine Sportswriters Association Forum sa Shakey’s Malate.
“Nagbibigay rin po kami sa DoH ng mga trash bins para ipamigay sa publiko at maging malinis ang kanilang kapaligiran.”
Kasama ni Nodado sa talakayan ang mangangasiwa sa 4-in-1 road race na si event manager Matthew Ardina ng Subterranean Ideas.
May entry fee sa 5-kilometer distance na P600 na ilalarga ala-5 ng umaga at sa 3km na P400 na itatakbo, ala-6 ng umaga gayundin sa 2k kids run (ages 6-12) na P300 na pakakawalan 6:30 ng umaga.Mayroon din na 1k family run na (kumbinasyon ng magulang at anak) na P600 na bibitawan ng 7:00 ng umaga. May diskwento sa registration fee kung magdadala ng empty boxes ng Tempra drops/syrup/forte syrup o Temraco syrup na magagamit din sa raffles.
May cash prizes sa top winners ng lahat ng category, may race shirt, bib at give-aways sa lahat. Ipapa-raffle ang tatlong 42 inches flat screen LED TV, isang mountain bike, limang Samsung mobile phone, 10 SM gift cards (P1,000 each), 10 SM movie tickets (5), 10 Star City RAYC tix (4), 10 SM E-Plus cards (5) at 20 winners ng Tempracof powerbanks.
On-going ang list-up sa mga sangay ng Toby’s sa SM Mall of Asia sa Pasay City at sa SM Manila sa Ermita. Makababatid ng iba pang detalye sa 0917 979 0803. Mangunguna sa mga kalahok sa family run ang Team Kramer nina Douglas Kramer at Cheska Garcia kasama ang tatlo nitong anak. (ANGIE OREDO)