BLOEMFONTEIN, South Africa (AFP) – Makikipagdebate ang mga South African state prosecutor sa korte para isakdal si Oscar Pistorius ng murder at maibalik siya sa kulungan, dalawang linggo matapos siyang palayain at isailalim sa house arrest.
Ang Paralympic sprinter ay napatunayang nagkasala noong nakaraang taon ng culpable homicide – isang kasong katumbas ng manslaughter – matapos barilin at mapatay ang kanyang kasintahang si Reeva Steenkamp noong Valentine’s Day ng 2013.
Sa Supreme Court of Appeal sa Bloemfontein sa Martes, sisikapin ng prosecutors na kumbinsihin ang mga hukom na si Pistorius, 28, ay dapat na hatulang guilty sa murder at patawan ng hindi bababa sa 15 taon sa kulungan.