Iniutos ng Commission on Audit (CoA) sa 28 government-owned and controlled corporations (GOCC) na isauli ang P626-milyon halaga ng bonus, allowance at insentibo na ibinayad nang ilegal ng mga ito sa kanilang mga opisyal at empleyado.  

Ang hindi awtorisadong bonus ay nakasaad sa 2014 Annual Financial Report, at binanggit ng komisyon na lumabag ang mga GOCC sa alituntunin sa pagbibigay ng suweldo, allowance at bonus para sa mga opisyal at kawani ng mga ito.

Ayon sa CoA, nagpadala na sila ng notice of disallowance sa tinukoy na mga GOCC upang maibalik sa gobyerno ang naturang halaga.

Sinabi ng CoA na pinakamalaki ang inilabas ng Philippine Economic Zone Authority (PEZA), na umabot P213.84 milyon, na ibinayad sa mga opisyal at kawani nito mula 2009 hanggang 2014.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Kabilang din sa sinita ng CoA ang Duty Free Philippines Corporation na aabot sa 154,926,000; Metro Cebu Water District, P108,256,000; Philippine Postal Corporation, P30,644,000; Bangko Sentral ng Pilipinas, P23,156,000; National Power Corporation, P22.878 milyon; National Electrification Administration, P20.625 milyon; Human Settlements Development Corporation, P15.203 milyon; Cagayan de Oro City Water District, P8.175 milyon; PNOC Alternative Fuels Corporation, P3.329 milyon; Metro Kidapawan Water District, P3.28 milyon; National Transmission Corp., P2.97 milyon; Butuan City Water District, P2.638 milyon; at Development Bank of the Philippines Data Center, Inc., P1.984 milyon. (Rommel P. Tabbad)