John Lloyd at Bea copy

MAS napaaga ang balik-tambalan nina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo.

Ang akala kasi ng karamihan sa fans ng box office tandem nila, maghihintay muna sila ng Valentine’s Day next year bago ipalabas ang sequel ng pelikulang One More Chance ng dalawa.

Noong 2007 pa ipinalabas ang One More Chance ng dalawang box office stars, kaya inabot ng mahigit walong taon bago nagkaroon ng sequel ang nasabing pelikula ng Star Cinema na ngayon nga ay may pamagat nang A Second Chance.

Human-Interest

Dating tindero ng isda sa Quiapo, sikat na filmmaker na sa Dubai!

Sey ng taga-Star Cinema na nakausap namin over the phone, na-pressure na sila sa walang tigil na request ng Bea-Lloydie fans for another team-up ng dalawa.

“Last 2010, eh, nagkatrabaho sina John Lloyd at Bea via the movie Miss You Like Crazy at sinundan naman ‘yun ng pelikulang The Mistress last 2012. Akala kasi nila every two years, eh, may ipapalabas na movie ng dalawa, kaya ‘yun, this November, eh, ipapalabas na ang A Second Chance,” sey ng kausap naming Star Cinema executive.

Aniya pa, mas kapana-panabik ang kuwento sa bagong movie na ito nina John Lloyd at Bea dahil pareho nang nag-mature ang mga characters nilang sina Popoy at Basha and their relationship spanned for 5 years ng pagiging mag-asawa na nila.

Samantala, ang isa pang pelikula na pinagbibidahan ni John Lloyd Cruz na Honor Thy Father ay napasama na sa darating na Metro Manila Film Festival.

Ayon sa pahayag ni MMFF executive Dominic Du, ipapalit ang nasabing pelikula sa umurong na Hermano Puli ni Direk Gil Portes.

Nanghinayang si John Lloyd Cruz nang hindi mapasama sa Magic 8 ang ipinagmamalaki pa naman niyang nagawang pelikula sa entire career niya.

“Sayang kasi naniniwala talaga kami at ‘yung mga tao sa paligid namin (sa merit ng movie). Naniwala kami na merong naghahanap ng gantiong klaseng pelikula sa MMFF season,” komento ng actor nang nalaman niya noon na hindi napasama ang movie niya.

Si Direk Erik Matti ang director ng Honor Thy Father na nagkaroon na ng premiere sa Toronto International Film Festival at ito rin ang magiging opening film para sa upcoming Cinema One Originals sa Nov. 8. (JIMI ESCALA)