CAMP DANGWA, Benguet – Malubha ang lagay ng isang lalaki matapos siyang tagain sa ulo ng kanyang misis sa loob ng kanilang bahay sa Tuba, Benguet, ayon sa Police Regional Office (PRO)-Cordillera sa La Trinidad, Benguet.

Ayon sa report mula sa Tuba Municipal Police na natanggap ni Supt. Cherrie Fajardo, regional public information officer, ginagamot pa si Dionisio Potectan, 50, ng Sitio Lumecneng, Barangay Nangalisan, Tuba, matapos siyang tagain sa ulo ng asawang si Mia Cupasan, 40, dakong 8:00 ng gabi nitong Lunes.

Batay sa imbestigasyon, nag-aaway ang mag-asawa sa loob ng kanilang bahay hanggang sa makahagilap ng bolo ang ginang at tinaga sa ulo ang asawa.

Agad na isinugod ang biktima sa Baguio General Hospital, habang dinala naman sa himpilan ng Tuba Police ang suspek.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Samantala, isang magsasaka sa Abra ang inoobserbahan ngayon sa ospital matapos siyang saksakin ng nakatatanda niyang kapatid sa Bgy. Tattawa, Peñarrubia, Abra.

Tinaga si Efren Marasigan Benosa, 37, ng kapatid na si Samuel Marasigan Benosa, 40, sa gitna ng kanilang pag-aaway.

Nagtamo ng isang saksak sa kanang bahagi ng likod si Efren at dinala sa Abra Provincial Hospital sa Bangued, habang naaresto naman ang suspek. (Rizaldy Comanda)