Tuluyang binuwag at kasalukuyang walang pambansang koponan sa indoor at beach volley ang Larong Volleyball ng Pilipinas Incorporated (LVPI).

Ito ang napag-alaman kay LVPI Vice-president Pedro Cayco sa pagdalo nito sa lingguhang Philippine Sportswriters Association (PSA) forum kasama sina Board at coaches commission chairman Atty. Ramon Malinao at international referee Jojo Hugo.

“We are still in the process of organizational structuring,” sabi ni Cayco. “That is why we had just finished conducting a Level II coaching seminar. We are also now in the process of creating the coaches, the referees as well as the athletes commission which is the basic foundation to build the organization,” sabi nito.

Ipinaliwanag naman ni Atty. Malinao na inatasan sila mismo ng namumunong internasyonal nitong asosasyon na Federation International de Volleyball (FIVB) upang agad magsagawa ng coaching seminar bunga ng lubhang pagkakaiwan ng bansa sa kalidad at kaganapan sa volleyball.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

“We even told them to held the coaching seminar next year but the FIVB insist to conduct it immediately because of their observation that our country has the talent and the ability but is way behind the knowledge of the sports as compared to our neighboring country’s by at least 10 years,” sabi pa ni Malinao.

Idinagdag naman ni Hugo na ipinadala mismo ng FIVB ang mga instructor mula sa China at Iran upang turuan ang mga local na coach mula sa mga commercial at unibersidad sa bansa kung saan dumalo rin ang tatlong dayuhan na dalawa mula sa Hong Kong at isa mula sa Sri Lanka.

Nakatakda rin na isagawa sa bansa ang ilang internasyonal na torneo kabilang na ang kabilang na ang beach volleyball “Spike For Peace” subalit aminado si Cayco na nananatiliing walang national team na maisasabak sa torneo.

“Yes, they are asking for sanction from the LVPI but I don’t know if we will have a national team competing. I know they (PSC) are working on that,” sabi ni Cayco.

Nakatakda naman isagawa ang Spike for Peace simula Nobyembre 27 hanggang Disyembre 4 sa loob mismo ng PhilSports Arena kung saan kabuuang 11 koponan ang nagkumpirma ng kanilang paglahok sa pangunguna ng mga koponan mula sa Canada, Australia at USA. (ANGIE OREDO)