Liza copy

SINONG lalaki ang hindi magsasabi ng “Everyday I Love You” lalo na sa isang napakagandang dilag na katulad ni Liza Soberano?

Sa romantic dramang Everyday I Love You ay lutang na lutang ang alindog ni Liza, a kind of beauty na mahirap pagsawaang masdan. Ganito din ang kaguwapuhan ni Enrique Gil. Sila ang mga mukhang mahal na mahal ng mga kamera at alam ito ni Direk Mae Cruz-Alviar. Sila na yata ang maituturing na the most photogenic love team na tiyak na gagawa pa ng maraming nakakakilig na pelikula.

Maninibago kayo sa role ni Gerald Anderson, ang mala-comatose na fiance ni Liza at pumipigil na ipadama sa aroganteng TV producer na si Ethan Alfaro ang kanyang saloobin.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

Kanino nga ba sinasabi ang pamagat?

Direk Alviar made sure na ang tatlo niyang pangunahing tauhan ay aarte ng tama. Well, the two gentlemen did their best lalo na si Enrique na natural at kapani-paniwala ang pagiging “in character”.

Pero ang nakakagulat ay si Liza na sa murang edad na seventeen ay nagpapamalas na ng galing sa pag-arte. She has the makings of becoming a fine actress.

Balanseng kilig at kirot na may kasamang puso at pagmamahal ang mga sangkap na madarama sa panonood ng Everyday I Love You.

Rekomendado namin ang pelikulang ito sa lahat, anuman ang inyong edad. (REMY UMEREZ)