Itinalaga ang pangulo ng Philippine Amateur Track and Field Association (Patafa) na si Philip Ella Juico bilang bagong chairman ng School and Youth Commission of the Asian Athletics Association (AAA).

Naganap ang naturang appointment sa dating Philippine Sports Commission chief sa nakaraang 83rd AAA council meeting na ginanap sa Solaire Resort and Casino kamakailan kung saan may 20 mga athlete heads na kumakatawan sa sindami ring bilang ng mga bansa mula sa iba’t ibang panig ng Asia ang dumalo.

Ang pagdaraos ng nasabing council meeting ay naging hudyat din ng pagbabalik ng Pilipinas sa Asian athletics stage simula noong panahon ni dating PATAFA head Jose Sering na siyang namuno sa pagbuo ng Asian Amateur Athletic Association noong 1973.

“All AAA officials in attendance led by president Dahlan Al-Hamad of Qatar expressed admiration on how the meeting was organized,” pahayag ni Juico.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Nauna nang naging punong-abala ang Pilipinas sa nasabing council meeting noong 1993 at 2003 sa panahon ng panunungkulan ng hinalinhang pangulo ni Juico na si Go Teng Kok.

Ang commission na pamumunuan ni Juico ay magbibigay sa AAA ng general advice tungkol sa aspeto ng school and youth participation sa athletics sa buong mundo at sa pag-develop ng ng mga bagong panuntunan na angkop sa programa para sa school and youth athletes sa buong Asia. (MARIVIC AWITAN)